Saturday, August 28, 2010

Depresyon at iba pang guni-guni

Depresyon, parang sa economics, nalulugi ang isang bansa na higit pa sa dalawang quarters. 


Pero sa kaso ko ngayon, hindi naman ako nalugi. Ang depresyon ko ay lungkot, na may kasamang hikbi. Marami akong dahilang kung bakit nakakaranas ako ng depresyon ngayon. Pero sa tingin ko nama'y maglalaho ito nang sabay-sabay bukas, o sa makalawa. 


Alamin ang dahilan ng depresyon ko.


1. Economics Exam


Siguro mga panghabang-buhay ko na itong dahilan kung bakit ako nalulungkot lagi. Paulit-ulti kasi sa utak ko ang linyang, "I did my best but I guess my best wasn't good enough..." Tamang statement sa bawat eksamen na kinukuha ko sa Econ. Hindi ko alam kung nabobobo na'ko through time o bumababa ang comprehension ko, pero sadyang hindi ko na maintindihan ang mag tanong sa test. Hindi ko alam kung ano ang tanong doon. Hindi ko na alam kung ano ang hinihingi ng item. Basta, naguguluhan na'ko sa lahat. 


O kaya nama'y... hindi lang ako nag-aral ng maigi kaya wala akong naintindihan. Ewan. Pero sigurado naman ako sa sarili ko na nag-aral ako. Ang hindi ako sigurado ay kung naintindihan ko ang inaral ko. Oh well, estudyante blues, sisihan kapag nakita na ang results.


Saan? Saan ako nagkamali? 


2. Anti-virus


Oo ako na ang masamang tao dahil hindi ako bumibili ng original na anti-virus para sa aking PC. Kasi naman 'te, ang mahal, e mas mahirap na nga kami sa mahirap na daga. Pero syempre may kabayaran lahat ng pamemeke sa mundo. Sa sobrang galing ng anti-virus ko, na-detect nya yung sarili niya bilang isang virus at nag-self-explode. Dyusko, ganun ba ang nangyayari sa mga sobrang galing na software? Suicidal? Kung mayaman-yaman lang talaga ako, bibili ako ng anti-virus na original, pero sa ngayon, magtuloy muna tayo sa pamemeke. It's bad, yes, I know. Pero ano nga bang aasahan mo sa mga mahihirap na gaya namin?


5k for a bloody anti-virus? Pambili na lang yan ng pagkain. T___T


3. Postpaid Bill


Trivial. Petty. Hindi parin naibibigay ang bill ko. May pambayad nako pero natetempt nakong gamitin dahil wala pa ang bill. Syet. Dumating ka na please bago pako abutin ng tukso.


4. Mga nahuhulog na palamuti sa bag


Kung kilala mo ako, malamang nakita mo na ang bag ko na ginagamit sa school. Maraming nakasakbit sa bag ko, katulad nila Dora, Amerika, Aaron the devil plushie at kung anu-anong button pins. Pero ngayon naglalaho na sila isa-isa. Wala na si Suzaku (nahulog yata sa jeep, yung base na lang ang natira), si Aaron the Devil plushie napigtal (buti na lang nakuha ko kagad), si Dora sinira ng isang katabi kong matabang babae sa jeep (masyado kasing pinagkakasya ang pwet sa napakaliit na space), ang green na lady bug na nawala yata sa isang sinehan sa MoA nung manood kami ng Step Up 3D, at yung iba, ewan, wala nakong alam kung nasan sila. 


Nakaka-depress kasi matagal na sila sa bag ko. Parang pamilya ko na sila. Pero nagbabago nga naman ang lahat-- nagdedepreciate ang mga bagay, naluluma sila at nasisira.
--------------


So far, iyan ang mga bagay na nakakapagpa-depress sakin. Inisip ko nang kumain kanina ng sandamakamak na fries para mapawi ang lungkot pero sabi ko mas mahalagang humaba ang buhay ko. Sa ngayon, wala muna akong gagawing acads. Gugulong lang ako sa kama. 

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home