Ang Pagbabalik

Heto na naman ako at nagbabalik sa pagsusulat (o pagta-type?) ng blog. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakapagblog at talaga namang na-miss ko ito.
Sa haba ng panahon na hindi ako nakapagsulat ay marami namang pagbabago ang nangyari sa akin. Masaya, malungkot, nakakatakot, nakakagulat, nakakainis, nakakapanlumo, walang kwenta, at iba pa. Sa sobrang dami hindi ko na mailagay.
Summer na at pagkatapos nito ay tutuntong na ako sa ikalawang taon sa kolehiyo. Nakakapanlumo talagang isipin-- may tatawag na sa'yong ate. Dati rati'y ako ang nagpapa-cute na freshie na tumatawag na ate at kuya sa mga upperclassmen. Pero gumaganti ang panahon, sa iyo namang niya ibubuntong ang nararamdaman ng mga upperclassmen kapag tinatawag silang ate o kuya.
Sa kabilang banda, napagpasiyahan kong mag-summer classes para mabawasan ang mabigat na load na hatid ng ikalawang taon. Isang GE at NSTP. Ang bigat no? Hinayaan ko na lamang iyan para matapos na mga paghihirap ko sa NSTP, sagabal kasi sa buhay iyan, parang PE, mga feeling majors. No heart feelings, pero ganoon talaga ang nararamdaman ko pati ng iba pang mga mag-aaral. Kahit ganoon pa man, masaya ang NSTP na nakuha ko. Nagra-rappel kami, knottying, bandaging, rescuing, at iba pang mga bagay na susubukin ang takot mo. Parang Fear Factor ang dating, face your fears, lalo na sa rappelling.
Araw-araw akong pagod sa pagsa-summer ko. Minsan pagkauwi ko ay hihiga ako kaagad sa kama at matutulog. Kadiri no? Hindi man lang ako magpalit ng damit pagkatapos kong pawisan sa NSTP. Joke lang, gumigising din naman ako para maligo at magpalit, at gumawa din ng burador para sa MP10. Adik, hindi ba? Wala talaga akong pahinga hanggang Sabado. Tapos gigising pa ako ng maaga tuwing Linggo para magsimba at mag-choir. Hay, ayokong magreklamo sa mga ginagawa ko dahil pinili ko ang ganitong buhay-- buhay workaholic.
Naiinggit talaga ako sa mga kaibigan ko. Mga hamak na 'bum' ngayong summer. Walang ginagawa sa bahay. Tambay lang sa mall. Minsan gimik sa kung saan. Sinasama nila ako pero hindi naman ako pwede. Ayos, hindi ba? Ay naku, nagiging bitter lang ako sa mga sinasabi ko. Hindi dapat magreklamo, pinili ko ito.
Masyado na atang humahaba itong sinusulat ko. Syet, may pasok pa pala ako bukas, 9am pa sa QC Cricle. Mahirap nang mag-Preachy na dull dito (ayon kay Sir U). I-enjoy lang ang summer sa kahit anong paraan. Nasa iyo naman ang dahilan para sumaya, hindi ba? :p
May 2, 2008
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home