Friday, May 23, 2008

Hello Telepono

“Uy, gagamitin ko muna ‘yang phone. Maya na lang kayo mag-usap.” Tumayo si Monica at binuksan at TV.

Ako naman ang umupo sa puwesto niya. Hawak-hawak ko ang aking selepono habang dina-dial ang mga numerong 893-7444.

Ring.

Ring.

Ring.

“Hello, puwede po ba kay Gian?”

“Ano, mamaya ka na lang tumawag. Magluluto pa ako ng merienda ko.”

“A ganoon ba?” Napatawa ako ng kaunti. “Sige, tawag na lang ako mamaya.”

Agad kong binaba ang telepono. Kumakabog ang dibdib ko at nanginginig ang kamay. Sinampal ko ang sarili ko. “Aray, ang sakit”

Tumingin sa akin si Monica at tumatawa. “O ate, baliw ka na ba? Bakit mo sinampal sarili mo?”

“Adik. ‘Wag mo na lang akong pansinin. Gusto mo rin ng sampal?” sabay ngiti sa kaniya.

Bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tinawagan ko si Gian. Sumagot siya at sinabing magluluto siya ng merienda. Binaba ko na rin ang telepono. Tapos, sinampal ko ang sarili ko ng walang dahilan. Teka, parang may mali sa nangyari.

Anak ng tinapa at hudas! 6:37pm na pala at sinabi niyang magluluto siya ng merienda? Gago ‘yun a, sinong matinong tao ang magluluto ng merienda ng ganitong oras? Pakshet, naloko na naman ako. Nagtanga-tangahan na naman ako. Hindi ko na dapat binaba ang telepono. Dapat sinabi ko na sa kaniya ang gusto kong sabihin.

Kung hindi ko nga lang siya pinigilan sa kabaliwan niyang magluto ng merienda sa gabi, ganito sana ang usapan namin:

“Hello Gian, ‘wag mo munang ibaba, may sasabihin ako sa’yo. Promise, saglit lang ‘to”

“O, ano nga ‘yun?”

“Prangkahin mo ako, iniiwasan mo ba talaga ako?”

Walang sasagot. Tahimik. Tinig lamang ni Kris Aquino sa Wheel of Fortune ang maririnig.

“Bakit mo naman natanong ‘yun?”

“Basta, sagutin mo na lang tanong ko”

“Oo, hindi ba halata?”

Pipisilin ko ang selepono na hawak. Kahit matigas at masasaktan ang kamay ko, hindi ko iindahin ang sakit.

“Bakit? Ano bang ginawa ko sa’yo to deserve this?”

Bibitawan ko na ang aking selepono, ‘yung kobre naman ng sofa namin ang pipisilin ko.

“Are you nuts? Wala na tayo. Wala ng dapat pag-usapan.”

Nuts ka din. Kasing kunat ka ng mga maning tintinda sa labas ng MRT Station sa Magallanes.

“Fine. Sana lang hindi mo na’ko pinaasa na magiging friends pa tayo after that break-up. Siguro naman alam mo ‘yung feeling na pinapaasa.”

“Oo na”

“Sige na, ba-bye”

Ibababa ko na ang telepono. Hindi ako iiyak. Hinding-hindi ako iiyak sa kaniya. Matapang ako, kaya kong i-handle ‘to. Nangyari na naman sa akin ito dati, dapat matuto na sa pagkakamali.

O diba? Mala-Telenovela sana ang naudlot na pag-uusap namin. Buwisit kasing merienda ‘yun e, KJ ba.

Heniwey, wala na akong magagawa sa nangyari. Uupo na lang ako dito at manonood ng Wheel of Fortune. Siguro mamaya matatawagan ko siya uli, pagkatapos kaya ng Dyesebel? Bahala na nga, lalaitin ko muna mga contestant dito. Ang dali-dali lang naman ng pinahuhulaan, Proper Name, obvious naman ng Department of Agriculture ‘yung sagot.

“O ano ate, ako naman ang gagamit ng phone. Alis ka na diyan.” Tumayo ako at umupo sa kabilang dulo ng sofa.

Buti malamig ang sofa.

Thursday, May 22, 2008

Mga Bakla sa Marikina Sports Park

May 22, 2008

Sabi nila 8am kami magkikita sa dating eskwelahan. Dumating ako kasama si Frances ng saktong alas otso, at doon nadatnan namin ang dalawa sa aming miyembro, si Julie Ann at Mary Joy. Lima dapat kaming magkikita-kita roon, ngunit minalas-malas pa kami dahil wala pa ang isa, si Azel.

Ginagawa namin ito taun-taon, ang Magic 7 Reunion. Iba-iba ang lugar bawat reunion namin. Noon, madalas kami sa mga mall, lalo na sa Glorietta, pero ngayon iniba namin ang itinerary, sa Marikina na.

Oo, tama ang nabasa ninyo, sa Marikina kami, Marikina Sports Park.

8:30am na dumating ang FX na sasakyan namin. Lulan nito ang isa pa naming kasama, si Kirstie. Kasama niya ang kaniyang butihing ina at ang Tito niya na may-ari ng sasakyan. Mabuti talaga at nagkasya kami sa sasakyang dala, malayo kasi ang aming pupuntahan.

Nang makarating kami sa MSP, agad kaming pumunta sa Pool Area. Hindi ko alam kung mga vain o conceited kami, pero talagang kodakan muna bago lumusong sa pool.

Si Julie Ann lamang ang hindi lalangoy dahil sa isang hindi maipaliwanag na dahilan. Kaya naman, siya ang mapalad na magiging tagabantay ng aming gamit ang taga-picture samin.

Iyon na nga, lumusong na kami sa tubig. Sa paglusong na iyon, hindi ako makapaniwala na may isa pala sa amin na nagta-transform. Si Frances, nagiging Dyesebel kapag nasa tubig. Nagulantang kaming lahat, pati ang iba pang nagte-training sa pool. Hindi sila makapaniwalang nabubuhay si Dyesebel at lumalangoy ng walang buntot.

Heniwey, fulfilling naman ang aking paglangoy dahil na-apply ko na naman ang aking pagkagurong pahinungod (Charot!). Si Majoy na hindi sanay lumangoy ay naturuan kong mag-kick-off at kaunti ng freestyle. Isama na rin pala ang floating at bubbles na talaga namang vital sa paglangoy.

akong lineman (di ko alam tawag e). Nakatawid nako ng 25m sa pool pero hindi sa MSP Di kalauna'y nagsimula na rin kami sa aming racing. Gusto ko sanang sumali kaso ginawa nila, sayang talaga ang pagkakataon.

Isa at kalahating oras lamang kami sa pool dahil break time nila ng 11:30am. Okay na rin na nangyari iyon dahil mangingitim lamang kami kung magtatagal. Sa pag-ahong iyon, nagsimula na ang mga bakla sa kodakan. Grabe. Walang tigil. Pinalalayas na nga, kodakan pa rin ng kodakan.

Hay, pagkabanlaw ay kumain na rin kami. Salamat kay Majoy sa Andoks at kanin na dala niya.

Nagbadminton, icebreaker, corny jokes, at lahat na! Marami pang ginawa at hindi ko alam kung paano ko ita-tayp dito.

Nakakatuwa talagang makasama ang mga baklang iyon. Walang pagbabago, makukulit pa rin. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin na bata ako dahil sa kanila. Nakakagaan ng problema na dinadala.

Marami ang maaaring mangyari sa amin. Sana sa mga pangyayari na iyon ay hindi maglaho ang pagkakaibigang nasimulan. Gawd, 2002 hanggang 2008, kung kaya pang patagalin, patagalin pa.

Patatagin.

Ang aming pederasyon. Ang aming samahan.

Wednesday, May 21, 2008

Break na Nga

Napaupo ako sa tabi niya. “Ano, break na ba talaga?”

“Yeah. I’m sorry talaga.”

“Sus! ‘Wag ka ngang mag-sorry diyan, ako dapat mag-sorry. Adik”

Gago! Akala mo wholehearted iyang sorry ko? Ngek Ngek mo, kulang pa ‘yung sorry mo sakin! Adik ka talaga!

“A ganoon ba.” Tumingin siya sa kanan.

Hindi ko na siya sinundan ng tingin, baka kung ano pa magawa ko sa mukha niya.

Tumayo siya at tumingin sa akin. “Alis na’ko, may project pa akong tatapusin, saka may exam pa’ko sa major ko bukas. Kita-kits na lang sa campus.”

Sige, umalis ka na diyan sa harap ko. Iwanan mo ako dito. Ganiyan naman talaga gusto mo e, makita akong kaawa-awa, parang kuting na iniwan ng nanay. Phew, magsama kayo ng pinakamamahal mong project. Kahit ano pang tiyaga na ilagay mo diyan, pasang-awa pa rin makukuha mo!

“A ok, sige. Kita-kits na nga lang.” Napangisi ako sa kaniya.

Talagang magkikita tayo dahil hindi pa ako tapos sa’yo. Sana sa pagkikita natin iyon ay makonsensiya ka sa ginawa mo sa’kin. Oo, makokonsensiya ka dahil maiinggit ka na makita mo ako kasama ang aking bagong syota. Aba, marami yatang nagkakagusto sa’kin. Akala mo ikaw lang lalaki sa mundo ko? Utot mo!

Pero kahit anong galit o poot pa ilabas ko, hindi ko pa rin magawang kalimutan ‘yung good side niya. Mabait siya talaga kaso may pagkatanga nga lang. Siguro bitter lang ako dahil ipinagpalit ako sa isang bagay na hindi naman talaga dahilan: Acads. Ayokong sabihin na ang bobo naman niya para hindi mapagsabay ang acads at ako. Pero sadyang ganoon talaga ang buhay, may kailangan tayong piliin, at sa pagpiling iyon, mayroon talagang maiiwan at masasaktan. Sa kaso ko, ako ‘yung sawimpalad na naiwan at nasaktan.

Anyway, nagiging bitter lang talaga ako sa mga nangyayari. Masyado kasing mabilis. Wish ko lang ganoon din siya kabilis makalimutan.

Pero hindi. Kahit magka-amnesia pa ako at iuntog ko ang sarili ko sa pader, wala pa ring epekto.

Kahit mabundol pa ako ng maraming trak sa highway, wala pa ring epekto.

Kahit lunurin ko pa sarili ko sa muriatic acid, lysol, o gasolina (na mahal na talaga ang presyo), wala pa ring epekto.

Kahit magpakapagod pa ako sa kung anu-anong strenuous activity, wala pa ring epekto.

At kahit magpakamatay pa ako at mapunta sa langit, palalayasin din ako ni San Pedro dahil wala pa ring epekto.

Syet, wala na yata talaga akong magagawa.

Bakit ba kasi hindi ganoon kabilis makalimot sa isang tao? Hindi naman siya ganoon ka-importante para hindi kalimutan. Mas importante pa nga sa kaniya ‘yung mga kinakabisa ko ka sa Anthropology pero ‘yun, mabilis kong nakakalimutan.

Hay naku, ayoko na siyang isipin ngayon. Ang dami ko pang exam bukas, nakalimutan ko pa dahil sa kaniya. Ang galing niya talaga tumayming, brokenhearted ako habang nag-aaral. Kahit ganito pa kondisyon ko ngayon, kailangan pa ring mag-move-on. Nadadaan naman ang mga bagay sa Step-by-Step system. Sa pamamagitan ‘nun, baka maka-move-on din ako sa kaniya.

Tama na nga, naluluha na naman ako, kahit sinabi ko na bawal umiyak sa kuwento ko.

Kumukurap

Kumukurap ang ilaw.

Alam kong gabi na pero hindi ko mapigilan ang aking sarili sa pag-type. Gusto ko na talagang matulog para naman makagising ako ng maaga bukas. Gusto ko rin kasi mapanood ang Doraemon. Alam kong ang jologs ko pero natutuwa talaga ako kapag nakikita kong may kakaiba na namang gamit si Doraemon. At akalain mo iyon, nagkakasya sa isang maliit na puting bulsa na nakadikit kay Doraemon.

"Buti pa si Doraemon napapasaya ako", naisip ko.

Sabi sa akin dati diskarte lang ng tao kung paano niya papasayahin ang kaniyang sarili. Kung hindi ka madiskarte sa buhay, tiyak na hindi ka rin sasaya. Kahit ano pang babaw ng tawa mo o halakhak kung hindi ka naman marunong sa buhay, e wala ring kwenta.

At napatunayan kong totoo iyon.

Sa isang makasariling hangarin, nag-iba ang mundo ko. Nanggulo nga ba talaga ako ng buhay ng ibang tao? Ang gusto ko lang naman ay ayusin ang mga bagay sa pagitan namin. Hindi ko inaasahang magkakaganito siya. Sa di-inaasahang pagkakataon. Laging biglaan. Laging paspasan.

Now you want to be free
So I'm letting you fly
"Cause I know in my heart, babe
Our love will never die, no

Lagi kong naiisip ang lyrics na iyan. Hindi ba't pareho naman nating ginusto ito? Hindi ba't pinagkasunduan na natin ang mga dapat pagkasunduan? Hindi ba't nangako ka?

Binawi mo na nga lahat sa akin e, tapos ako pa ang mali ngayon. Nakakapanlumo talagang isipin, lagi akong talunan. Lagi akong walang diskarte.

Sana may gamit si Doraemon na makakapgpaintindi sa'yo ng lahat ng sinabi mo sa akin. Ngunit natapos na ang lahat. Tapos na ang lahat sa atin. Wala na ang pangakong pagbabalik, Wala na.

Sawa na ako sa pagiging makasarili ng mga tao

Tinatakasan mo nga ba talaga ako? Kinalimutan mo na nga ba ako? Kasi ako natatanga na naman, naghihintay sa wala. Pinigilan ko ang sarili ko sa pagluha dahil bawal umiyak sabi ng propesor ko. Kuwento nga lang naman ang buhay, at isang cliche ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung matatandaaan mo pa ako kapag nagkita tayo uli. Papansinin mo kaya ako? Wala naman akong naging kasalanan sa'yo kaya wala ako dapat ikabahala.

Pinili natin ang mga landas na ito. Tayo ang nagdesisyon. Ang hirap nga magsabi sa mga tao, kailangan pang magsinungaling. Sa tingin ko, kailangan ko ng tigilan ang pagsisinungaling na "Ok lang kami", wala namang naidudulot na maganda.

Hiling ko lang, mapagbuti mo pag-aaral mo.Iyan lang naman ang makakapagbigay-ginhawa sa'kin pagkatapos ng lahat. Iyan din naman ang gusto ko para sa'yo.

Pagbutihin mo. Hayaan mo, wala ng sagabal sa'yo. Nasa'yo na lahat ng oras na kailangan mo.

Naalala ko so Doraemon uli. Oo nga pala, gigising ako ng maaga para mapanood iyon.

Kumukurap ang ilaw. Gusto ko ng pumikit.

Baby believe me it's only a matter of time

May 16, 2008

Ang Pagbabalik


Heto na naman ako at nagbabalik sa pagsusulat (o pagta-type?) ng blog. Matagal-tagal na rin noong huli akong nakapagblog at talaga namang na-miss ko ito.

Sa haba ng panahon na hindi ako nakapagsulat ay marami namang pagbabago ang nangyari sa akin. Masaya, malungkot, nakakatakot, nakakagulat, nakakainis, nakakapanlumo, walang kwenta, at iba pa. Sa sobrang dami hindi ko na mailagay.

Summer na at pagkatapos nito ay tutuntong na ako sa ikalawang taon sa kolehiyo. Nakakapanlumo talagang isipin-- may tatawag na sa'yong ate. Dati rati'y ako ang nagpapa-cute na freshie na tumatawag na ate at kuya sa mga upperclassmen. Pero gumaganti ang panahon, sa iyo namang niya ibubuntong ang nararamdaman ng mga upperclassmen kapag tinatawag silang ate o kuya.

Sa kabilang banda, napagpasiyahan kong mag-summer classes para mabawasan ang mabigat na load na hatid ng ikalawang taon. Isang GE at NSTP. Ang bigat no? Hinayaan ko na lamang iyan para matapos na mga paghihirap ko sa NSTP, sagabal kasi sa buhay iyan, parang PE, mga feeling majors. No heart feelings, pero ganoon talaga ang nararamdaman ko pati ng iba pang mga mag-aaral. Kahit ganoon pa man, masaya ang NSTP na nakuha ko. Nagra-rappel kami, knottying, bandaging, rescuing, at iba pang mga bagay na susubukin ang takot mo. Parang Fear Factor ang dating, face your fears, lalo na sa rappelling.

Araw-araw akong pagod sa pagsa-summer ko. Minsan pagkauwi ko ay hihiga ako kaagad sa kama at matutulog. Kadiri no? Hindi man lang ako magpalit ng damit pagkatapos kong pawisan sa NSTP. Joke lang, gumigising din naman ako para maligo at magpalit, at gumawa din ng burador para sa MP10. Adik, hindi ba? Wala talaga akong pahinga hanggang Sabado. Tapos gigising pa ako ng maaga tuwing Linggo para magsimba at mag-choir. Hay, ayokong magreklamo sa mga ginagawa ko dahil pinili ko ang ganitong buhay-- buhay workaholic.

Naiinggit talaga ako sa mga kaibigan ko. Mga hamak na 'bum' ngayong summer. Walang ginagawa sa bahay. Tambay lang sa mall. Minsan gimik sa kung saan. Sinasama nila ako pero hindi naman ako pwede. Ayos, hindi ba? Ay naku, nagiging bitter lang ako sa mga sinasabi ko. Hindi dapat magreklamo, pinili ko ito.

Masyado na atang humahaba itong sinusulat ko. Syet, may pasok pa pala ako bukas, 9am pa sa QC Cricle. Mahirap nang mag-Preachy na dull dito (ayon kay Sir U). I-enjoy lang ang summer sa kahit anong paraan. Nasa iyo naman ang dahilan para sumaya, hindi ba? :p

May 2, 2008

Dahil Hindi Ko rin Alam

dahil hindi ko rin alam

wala talaga akong maisip na sabihin sa inyo.

isa lamang akong hamak na multiply user na napadpad sa pahinang ito.

hindi rin ako magaling bumuo ng mga ganitong bagay, kung anu-ano lamang lumalabas sa isip ko, hindi ko naman mabuo ng maayos.

"Bukas, after ng exams."

ayaw matanggal sa isip ko ang mga katagang ito- hindi ko alam kung bakit. Natutuwa lamang siguro ako dahil matatapos na rin ang mala-impyernong exams na dinanas ko nitong mga huling araw. Nakakapagod talaga.

Hayaan mong paligayahin ka muna ng panahon, kahit saglit lang.

Kalokohan. Pa'no ako liligaya sa ganitong kalagayan, punong-puno pa rin ng sugat ang aking pagkatao at hindi pa ito naghihilom.

Matagal-tagal na rin pala nung huli akong umiyak...kasi ayoko na talagang ulitin iyon. Nakakasuklam.

Ano nga ba patutunguhan nitong mga sinasabi (sinusulat, tina-type) ko dito?
Hindi niyo kailanman maiintindihan ang nilalaman ng isip ko.
Nananatiling palaisipan sa ibang tao kung ano talaga ako.

At kahit ako, hindi ko rin alam

-Dahil hindi ko rin alam-

October 17, 2007