Tuesday, July 25, 2006

Kulang pa...


Hahaha...

Ayan... Ang inggiterong bata. Lahat kinaiinggitan niya. Pati sarili niya.

Ewan ko kung bakit siya ganyan, wala naman akong alam sa buhay niya eh. Nakilala ko lang siya kahapon, ay hindi! Nung isang araw pa pala.

May ikinuwento siya sa akin. Isang pangyayari sa kaniyang buhay na nagbigay kirot sa aking puso.

Ang drama noh? Pero hindi naman ganoon ka-drama buhay niya.

Hehehe...

Kilala siya bilang isang magaling at mahusay na bata. Kakaiba kung ihahambing sa mga batang ka-edad niya.

Mabait at masunurin kaya kinagigiliwan ng lahat.

Pero sa likod ng mga magagandang bagay na iyan,

nakatago ang isang lihim na ayaw niyang malaman ng iba.

Nasa kaniya na ang lahat.

Lahat-lahat.

Kung iisipin, wala ka ng mahihiling pa kung ikaw siya.

Pero sabi nga ng iba, walang kabuluhan ang buhay kung walang nagmamahal sa iyo at nakakaintindi.

Siguro nga, habang nagiging tanyag ka at successful, lalong hindi mo alam kung sino ang mga taong mapagkakatiwalaan mo.

Tulad 'niya'. Ang alam nila masaya 'siya'

ngunit ang buhay niya ay puno ng hinagpis.

Magaling lang talaga 'siya' gumawa ng maskara.

Kakaibang maskara na tinatago ang kaniyang emosyon.

Tanging kasiyahan lang ang makikita mo.

Isang araw sa kaniyang paglalakad, nadapa 'siya'. Peste, lampa pala 'siya'. Ayun, nadapa lang 'siya'. Pero may tumulong, wow. Ang bait naman nun, naisip 'niya'. Kadalasan kasi, ayaw niyang may nakakakit sa kaniyang nadadapa 'siya'. NAKAKAHIYA nga naman. Masisira ang "perfect Image".

Nangamba siya dahil ang tumulong sa kaniya ay kaniyang kamag-aral. Baka sabihin niya kung ano nangyari sa kaniya!
Awts, pano na yan? Syempre, tweetums effect para ma-convince.
No effect eh, pero bakit nya ba ginagawa iyon? Wala pa ngang sinasabi yung tao.
Shing! Ikalawang katangahan (una yung pagkalampa niya).
Nagtaka na ang taong tumulong sa kaniya at tinanong kung bakit parang balisa siya kung kumilos. May problema ba?
Syempre, don't-worry-about-me-because-I-am-okay-and-please-shut-up-your-mouth-on-anything-you-saw effect 'siya'. Grabe, dyahe...
Anyway, natuwa na lang ang taong tumulong sa kaniya. Hindi niya inakala na nakakatuwa siyang tao. Ang image niya kasi sa school ay isang seryosong mag-aaral, ngingiti lamang kung kinakailanagan at galante kung tititigan.
Ito na ang simula ng bagong araw.
Walang 'siyang' alam.
Magbabago ang kaniyang kapalaran.
Salamat sa tumulong sa kaniya.
To be continued...

Friday, July 07, 2006

S-M-I-L-E for a Cause



Sa dinami-dami ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko alam kung mayroon pa bang emosyon na natitira sa akin. Wala na akong maramdaman, pagod na pagod na ako, nagsasawa na din ako. Kung minsa nga ay pinapalabas ko na lang na hindi ako naaapektuhan sa mga nangyayri ngunit ang hindi nila alam, halos mabasag na ang aking katauhan. Ito'y nakapagbigay liwanag na sa aking isipan, kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng mapangyaya at nakahuhumaling na realidad ng buhay. Sa simpleng bagay lang pala umiikot ang lahat. Tanging ang tao lamang ang nagpapabigat sa kaniyang sarili dahil siya lamang ang kumokontrol sa kaniyang katauhan. Ano nga naman ang saysay ng pagbabaling ng sisi sa iba? Walang kabuluhan. Walang saysay. Walang Kwenta. Napupuno na ako at kakaunti na lang ay sasabog na ang Mt. Bulusan kasabay ng aking pagsabog.

Pagsabog... ng aking poot na matagal ko ng itinatago sa aking sarili.

Sarili.. lamang ang iniisip ng ibang tao, at isa yun sa mga dahilan ko. Makakapal ang mukha, walang pakialam sa ibang tao. Matuto ka nga!

Tao... ang mga nabubuhay sa mundong ibabaw na mahirap intindihin.

Intindihin... sana ng iba ang aking nararamdaman. Ayokong hinuhusgahan ako sa kung ano ang nakikita ninyo sa akin. Plastik talaha ako.

Plastik... ito ang mga kalat na hindi nabubulok. Tulad ng mga taong Plastik, hindi sila nabubulok kaya naman salot sila sa lipunan.

Lipunan... ang kadalasang sanhi ng problemang may solusyon na minsan ay pinalalala ng tao.

Solusyon... ang sagot sa lahat. Maraming uri at kung minsa'y hindi na nabubunyag dahil sa kahangalan ng tao.

Kahangalan... ang tanging masasabi ko sa mga taong may pag-iisip ngunit nag-aasal hayop.

Wala namang masama sa magsabi ng nararamdaman, kung minsan nga lang talaga magulo ang mundo at walang nais maglaan ng oras para makinig sa iyo.

ORAS... napakahalaga para sa mga taong katulad ko.

Ito ang nakakapag-bigay ngiti sa aking mga labi.

Wednesday, July 05, 2006

Problema sa Modelong Ekskweyrd

"Although the world is full of suffering, it is also full of the overcoming of it."
-Keller

PROBLEMA o sa Ingles, PROBLEM. Ito ang katangi-tanging bagay na ewan ko ba kung bakit nababaliw ang mga tao. Parang isa itong napakalaking patibong na kung nahulog ka, eh pasensyahan na lang, kailangan mong gumawa ng paraan upang makalabas doon. Normal na sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema. Yung iba madali lang na tipong wala pang isang minuto ay solb na. Meron namang nasa gitnang antas o "middle level" na problema. Ito naman ang mga problemang kailangan lang ng kakaunting common sense para malutas ito. Ang ganitong klase ng problema ay madalas na lumilitaw sa ating pakikibaka patungo sa ating 'goal'. At ang pinakahuli at talaga nga namang kalunos-lunos ay ang MABIGAT at MAHIRAP na PROBLEMA. Obvious naman sa pangalan nito ang deskripsyon. MAHIRAP- dahil dito sinusubukan ang abilidad ng isang tao na makagawa ng paraan para masolusyonan ang kaniyang dinadalang problema.
MABIGAT- dahil nagmimistulang daigdig ang ating pinapasan sa ating likuran at kayhirap dalhin.
Ito lamang ang ipinagtataka ko, kung alam naman natin kung anong uri ng problema mayroon tayo, bakit pa tayo naghihirap ng lubusan o kaya minsa'y pinapahirapan pa natin ang ating mga sarili? Sabi nga sa akin ng isang tao, naging mekanismo na sa utak ng isang tao na palagi nitong nakikita ang masasamang bagay kaysa sa mabuti. Halimbawa, may papel ako, nilagyan ko ng isang tuldok sa gitna at tinanong ko sa inyo kung ano nakikita ninyo. Kung ang isasagot ninyo sa akin ay tuldok, pare CONGRATS! Mas madali ninyo lang nakikita ang negatibong parte ng buhay. Sa kabilang banda, kung ang sagot ninyo ay isang papel, aba pare CONGRATS uli! Napakabuti mong tao at optimistiko dahil mas nangingibabaw sa iyong isipan na mas maraming mabubuting bagay mayroon sa mundong ibabaw. Kitams, sa pamamagitan lamang niyan ay makikita mo na kung anong klase talaga ng tao mayroon sa mundo. Hindi naman masama ang mag-isip ng negatibo pero minsan tayo ay sumusobra na, yung tipong maganda na ang lahat, eh pangit pa din sa paningin mo. NAMAN?! Magpatingin na kayo sa doktor kung ganoon ang kalagayan ninyo, hindi na abnormal yan!
KARANASAN:
Marami na akong taong nakasalamuha sa labing-apat na taong pamumuhay ko sa mundong ito. GRABE, akalain mo yun, common denominator lang sila pagdating sa problema. Akalain mo yun, kapag sharing sa recollection, retreat o sa kahit ordinaryong talakayan, natatawa na lamang ako habang nagtututulo ang mga luha ng mga classmates ko sa kakakinig ng mga kwentong pamproblema. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ako ka-perpekto para madaling lutasin ang aking problema. Pero, Diyos ko! Akala ko naman pasan na nila ang buong daigdig habang ibinabahagi nila ang kanilang mga problema. Naisip ko lang, maswerte nga mga classmates ko kasi kahit papaano ay mahal sila ng kanilang mga magulang. Tinutustusan ang kanilang pangangailangan mapa-materyal man o hindi. Ang masaklap dun ay hindi nila naiisip na may mas matindi pang problema na kinakaharap ang mga kabataang tulad namin. Ikaw ba naman magtrabaho at isakripisyo ang iyong pag-aaral para lamang makatulong sa pamilya. O kaya naman ay isa kang ulilang anak na binubuhay ang sarili. Isa pa, hindi sila kuntento sa kanilang pamilya. Palagi na lamang nilang isusumbat na si daddy ganoon, si mommy ko ganya, yung ate ko ganoon, yung kuya ko ganyan, o kaya naman yung bunsi namin si ganito ay ganyan. Masyadong nagiging emosyonal at kung minsan talaga ay exaggerated na. Naiinis na lang ako kapag napakikinggan ko ang ganiyang mga kwento. Ipinapakita nilang masyado silang "BRITTLE o VULNERABLE" pagdating sa mga bagay na ganyan. Naalala ko yung sinabi sakin ng matalik kong kaibigan ang isang napakabigat at napakahirap na problema na kaniyang dinadala pero makikita ninyo sa kaniyang mukha o kahit saan mang lugar ay lagi siyang masaya. Hindi niya ginagawang dahilan para malungkot ang kaniyang mga problema. Tanging isasambit niya sa akin ay hayaan mo na yun, nandyan na eh, magagwa ko pa, basta natutugunan mo kung ano ang kailangan, solb na ang lahat. Wala naman talagang big deal sa problema, tao lang ang nagpapalaki nito. Kung subagay, sa dami ba namang problemang nagsusulputan, sino ba naman kaya ang hindi mabaliw ng tuluyan at mapaghalo-halo na ang problema. Pero ito lamang ang nais kong iwan: Lahat ng problema may solusyon, hindi lang natin nakikita iyon kasi doon lamang tayo sa problema nakatutok hindi sa kung ano ang gagawin natin para malutas ito. Huwag na huwag kang hihinto, tumatakbo palagi ang oras, sayang naman ang mga segundong nababawas kakaisip lamang sa problema... Hayaan ninyo na lang yang pesteng problema na yan kasi ang kasagutan maarte, ayaw niyang hinahanap siya, ang gusto niya SUPLAYS!
"Wisdom begins at the end." - Webster

Tuesday, July 04, 2006

Pag-aalinlangan




Pag-aalinlangan, sa Ingles DOUBT. Bakit pag-aalinlangan? Si kolay nag-aalinlangan sa kaniyang nararamdaman. Ganito kasi yun, matagal ko ng tinatago sa taong m---- ko na may kakaunti akong pag-aalinlangan sa aking "feelings". Hindi ko alam kung bakit, ayokong sabihin sa kaniya dahil ayokong ma-disappoint siya sa akin. Ang tanging sinabi ko lamang sa kaniya ay magtiwala na lang siya sakin. Ngayon, lumala ang sitwasyon. Naipit ako sa isang bagay na tanging ako lamang ang nakakaramdam. Sangkot ang dalawang tao pero ako lamang ang tanging nakararanas ng pagka-ipit. Si cha-ai na ang kasalukuyang Langgam at si art boy na ang nakaraang Tipaklong... Ang gulo no? Representasyon lamang iyan dahil ayokong magbanggit ng pangalan. Malay ko ba kung idemanda ako ng mga taong iyan. Anyway, Life is a matter of choice naman eh, bahala na kung ano mangyari sa akin. Kung inyong susuriin, ako ang masama sa istoryang ito at ako din ang unang kakarmahin ng todo. Alam ko ng mangyayari yan kaya naman hinahanda ko na ang aking sarili, malay natin kung ano ang mangyari basta ako masaya sa ginagawa ko. Ewan ko ba kung bakit ko kailangang mamroblema sa ganiyang mga bagay, walang kabuluhan! Nagsasayang lamang ako ng emosyon, mahal pa naman ito. 1 emotion= 1 Billion U.K. Pounds. Mwahahahha!!!


Quote for the Day:

Destiny is no matter of chance. It is a matter of choice. It is not a thing to be waited for, it is a thing to be achieved.

~Bryan

Ang Pagtanggap ng Isang Bagay na Hindi Talaga Katanggap-tanggap



Tingnan ninyo nga naman, kaakit-akit ang litratong iyan ng sanggol. Akalain mo yun, kinakain niya ang kaniyang daliri sa paa, NORMAL ba yan? Pero hindi naman talaga diyan iikot ang aking sasabihin ngayon. Iyan lamang ay isang representasyon na ako'y nagsasalaysay na. Kaya naman asahan ninyong palaging nariyan ang litratong iyan sa aking mga post. ^_^
Ang araw na ito, Hulyo 4, 2006. Masama ang pakiramdam ko dahil sa field trip namin kahapon pero ayos naman ako, pwede ba?! Kaya ko pang tumayo, NAMAN?! Napag-isip-isip ko lang, ang hirap pala gawin ang salitang TANGGAPIN o sa Ingles ay "ACCEPTANCE". Mayroong isang bagay sa aking buhay na alam kong wala na, kinalimutan na ng aking katauhan pati ng aking isipan. Kung baga, hindi na siya nag-eexist pa sa mundo ko(ewan ko na lang sa mundo ng ibang tao). Ang mahirap dun ay bumabalik siya, walang pilitan pero ito'y nagkukusa. Siguro ako lamang ang nag-iisip nun pero nararamdaman ko rin na alam niya iyon. Sa ibang mundo na umiikot ang buhay ko ngayon pero bakit ganoon? Bumabalik ako sa nakaraan, ang nakaraan na kung saan ay pinag-aaralan ko pa lamang ang tao at ang buhay nila. Hindi ko alam kung may ipinapahiwatig ba ang panahon sa akin. Mayroon ba akong pagkakamali noon na kailangan kong itama? O hahayaan ko na lang ba na maging alipin ng kasalukuyang panahon? Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan ngayon. Sana... may anghel na bumaba mula sa langit at sunduin ako sa kalupitan ng buhay. Haay... Mabuti pa ang blog walang tanong... Mwahaha!!!
Iyan ang kailangan ko ngayon T_T

Monday, July 03, 2006

Wow Pare! Heavy!



Wow Pare, heavy! H-E-A-V-Y talaga ang araw na ito dahil field trip namin ngayon! Akalain mo yun, parang biglaan. Anyway, nag-field trip kami sa Biak-na-Bato. Alam niyo yung lugar na yon, tipong ang daming kweba at talaga namang makasaysayan. Malagkit ang lupa at isa sa mga ebidensya nun ay ang aking suot na rubbershoes na hiniram ko pa sa pinsan ko. Akalain mo yun, tanggal ang SUWELAS! PESTE talaga kasi ang hirap maglakad. Mabuti na nga lang at may dala akong tsinelas.

Heto ang ilan sa mga naganap nung field trip namin: (bulleted na lang para madali!)

  • Madami akong dalang pagkain at hindi ko iyon naubos.
  • Ang katabi ko sa bus ay si Angelo. Sa may gitna si Jude.
  • Tinamad ako mag-gameboy.
  • Ang tanging baon ko na inubos ko ay yung RITZ na may cheese yung loob.
  • Hindi ako nagpalit ng sapatos nung nasa yungib kami.
  • Nung nasa yungib kami, natanggal ang swelas ng sapatos ko. Nakangiti na siya!
  • Nagmistulang kaming mga Spirit Warriors ni Frances nung nasa Ikatlong Yungib kami.
  • Bakit ba pinagkakatuwaan kami ng mga Tour Guide?
  • Marami na ding nauntog sa mga stalactite ng kweba.
  • "Jude take the lead! Never follow!" Ani namin palagi ni Frances kay Jude.
  • Biruin mo, nakapag-rapelling ako kahit walang parent's consent.
  • Nagpaikot-ikot ako sa ilalim ng bridge nung nag-rapell ako. At puro lumot ang aking damit.
  • Ang daming paniki pero hindi kami nilapitan.
  • Marami na ding nadulas... Bwahahah!!!
  • Nag-swimming kami sa ilog na kung saan may mga lulutang-lutang na kalabaw.
  • Ang lamig ng tubig sa loob ng kweba.
  • At naligo kami!
  • Mayroong pesteng nilamutak ang aking pagkababae. PESTE talaga. KIll HIM!
  • Napasukan pa ako ng tubig sa loob ng tainga dahil sa kakalaro nila ng tubig.
  • Sobrang saya dahil mayroon pa kaming ibang kasabay.
  • Ang hirap pala magbihis ng nasa loob ng bus.
  • Ang sarap... Talaga.
  • Astig mga Tour Guide... The Best!!!
  • Mwahahahaha!!!
  • Wala na akong mailgay.
  • Ang saya-saya ko kahit pagod na ako.
  • Biruin mo nagttype pa ako kahit pagod na ako.
  • Maraming Salamat sa lahat ng Tao and Sir dela Cruz!!! The Best!
  • Wahahahah...

Ito lang ang masasabi ko para sa ngayon: