Tuesday, July 04, 2006

Ang Pagtanggap ng Isang Bagay na Hindi Talaga Katanggap-tanggap



Tingnan ninyo nga naman, kaakit-akit ang litratong iyan ng sanggol. Akalain mo yun, kinakain niya ang kaniyang daliri sa paa, NORMAL ba yan? Pero hindi naman talaga diyan iikot ang aking sasabihin ngayon. Iyan lamang ay isang representasyon na ako'y nagsasalaysay na. Kaya naman asahan ninyong palaging nariyan ang litratong iyan sa aking mga post. ^_^
Ang araw na ito, Hulyo 4, 2006. Masama ang pakiramdam ko dahil sa field trip namin kahapon pero ayos naman ako, pwede ba?! Kaya ko pang tumayo, NAMAN?! Napag-isip-isip ko lang, ang hirap pala gawin ang salitang TANGGAPIN o sa Ingles ay "ACCEPTANCE". Mayroong isang bagay sa aking buhay na alam kong wala na, kinalimutan na ng aking katauhan pati ng aking isipan. Kung baga, hindi na siya nag-eexist pa sa mundo ko(ewan ko na lang sa mundo ng ibang tao). Ang mahirap dun ay bumabalik siya, walang pilitan pero ito'y nagkukusa. Siguro ako lamang ang nag-iisip nun pero nararamdaman ko rin na alam niya iyon. Sa ibang mundo na umiikot ang buhay ko ngayon pero bakit ganoon? Bumabalik ako sa nakaraan, ang nakaraan na kung saan ay pinag-aaralan ko pa lamang ang tao at ang buhay nila. Hindi ko alam kung may ipinapahiwatig ba ang panahon sa akin. Mayroon ba akong pagkakamali noon na kailangan kong itama? O hahayaan ko na lang ba na maging alipin ng kasalukuyang panahon? Maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan ngayon. Sana... may anghel na bumaba mula sa langit at sunduin ako sa kalupitan ng buhay. Haay... Mabuti pa ang blog walang tanong... Mwahaha!!!
Iyan ang kailangan ko ngayon T_T

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home