Wednesday, July 05, 2006

Problema sa Modelong Ekskweyrd

"Although the world is full of suffering, it is also full of the overcoming of it."
-Keller

PROBLEMA o sa Ingles, PROBLEM. Ito ang katangi-tanging bagay na ewan ko ba kung bakit nababaliw ang mga tao. Parang isa itong napakalaking patibong na kung nahulog ka, eh pasensyahan na lang, kailangan mong gumawa ng paraan upang makalabas doon. Normal na sa buhay ng isang tao ang magkaroon ng problema. Yung iba madali lang na tipong wala pang isang minuto ay solb na. Meron namang nasa gitnang antas o "middle level" na problema. Ito naman ang mga problemang kailangan lang ng kakaunting common sense para malutas ito. Ang ganitong klase ng problema ay madalas na lumilitaw sa ating pakikibaka patungo sa ating 'goal'. At ang pinakahuli at talaga nga namang kalunos-lunos ay ang MABIGAT at MAHIRAP na PROBLEMA. Obvious naman sa pangalan nito ang deskripsyon. MAHIRAP- dahil dito sinusubukan ang abilidad ng isang tao na makagawa ng paraan para masolusyonan ang kaniyang dinadalang problema.
MABIGAT- dahil nagmimistulang daigdig ang ating pinapasan sa ating likuran at kayhirap dalhin.
Ito lamang ang ipinagtataka ko, kung alam naman natin kung anong uri ng problema mayroon tayo, bakit pa tayo naghihirap ng lubusan o kaya minsa'y pinapahirapan pa natin ang ating mga sarili? Sabi nga sa akin ng isang tao, naging mekanismo na sa utak ng isang tao na palagi nitong nakikita ang masasamang bagay kaysa sa mabuti. Halimbawa, may papel ako, nilagyan ko ng isang tuldok sa gitna at tinanong ko sa inyo kung ano nakikita ninyo. Kung ang isasagot ninyo sa akin ay tuldok, pare CONGRATS! Mas madali ninyo lang nakikita ang negatibong parte ng buhay. Sa kabilang banda, kung ang sagot ninyo ay isang papel, aba pare CONGRATS uli! Napakabuti mong tao at optimistiko dahil mas nangingibabaw sa iyong isipan na mas maraming mabubuting bagay mayroon sa mundong ibabaw. Kitams, sa pamamagitan lamang niyan ay makikita mo na kung anong klase talaga ng tao mayroon sa mundo. Hindi naman masama ang mag-isip ng negatibo pero minsan tayo ay sumusobra na, yung tipong maganda na ang lahat, eh pangit pa din sa paningin mo. NAMAN?! Magpatingin na kayo sa doktor kung ganoon ang kalagayan ninyo, hindi na abnormal yan!
KARANASAN:
Marami na akong taong nakasalamuha sa labing-apat na taong pamumuhay ko sa mundong ito. GRABE, akalain mo yun, common denominator lang sila pagdating sa problema. Akalain mo yun, kapag sharing sa recollection, retreat o sa kahit ordinaryong talakayan, natatawa na lamang ako habang nagtututulo ang mga luha ng mga classmates ko sa kakakinig ng mga kwentong pamproblema. Hindi ko naman sinasabi na ganoon ako ka-perpekto para madaling lutasin ang aking problema. Pero, Diyos ko! Akala ko naman pasan na nila ang buong daigdig habang ibinabahagi nila ang kanilang mga problema. Naisip ko lang, maswerte nga mga classmates ko kasi kahit papaano ay mahal sila ng kanilang mga magulang. Tinutustusan ang kanilang pangangailangan mapa-materyal man o hindi. Ang masaklap dun ay hindi nila naiisip na may mas matindi pang problema na kinakaharap ang mga kabataang tulad namin. Ikaw ba naman magtrabaho at isakripisyo ang iyong pag-aaral para lamang makatulong sa pamilya. O kaya naman ay isa kang ulilang anak na binubuhay ang sarili. Isa pa, hindi sila kuntento sa kanilang pamilya. Palagi na lamang nilang isusumbat na si daddy ganoon, si mommy ko ganya, yung ate ko ganoon, yung kuya ko ganyan, o kaya naman yung bunsi namin si ganito ay ganyan. Masyadong nagiging emosyonal at kung minsan talaga ay exaggerated na. Naiinis na lang ako kapag napakikinggan ko ang ganiyang mga kwento. Ipinapakita nilang masyado silang "BRITTLE o VULNERABLE" pagdating sa mga bagay na ganyan. Naalala ko yung sinabi sakin ng matalik kong kaibigan ang isang napakabigat at napakahirap na problema na kaniyang dinadala pero makikita ninyo sa kaniyang mukha o kahit saan mang lugar ay lagi siyang masaya. Hindi niya ginagawang dahilan para malungkot ang kaniyang mga problema. Tanging isasambit niya sa akin ay hayaan mo na yun, nandyan na eh, magagwa ko pa, basta natutugunan mo kung ano ang kailangan, solb na ang lahat. Wala naman talagang big deal sa problema, tao lang ang nagpapalaki nito. Kung subagay, sa dami ba namang problemang nagsusulputan, sino ba naman kaya ang hindi mabaliw ng tuluyan at mapaghalo-halo na ang problema. Pero ito lamang ang nais kong iwan: Lahat ng problema may solusyon, hindi lang natin nakikita iyon kasi doon lamang tayo sa problema nakatutok hindi sa kung ano ang gagawin natin para malutas ito. Huwag na huwag kang hihinto, tumatakbo palagi ang oras, sayang naman ang mga segundong nababawas kakaisip lamang sa problema... Hayaan ninyo na lang yang pesteng problema na yan kasi ang kasagutan maarte, ayaw niyang hinahanap siya, ang gusto niya SUPLAYS!
"Wisdom begins at the end." - Webster

1 Comments:

Blogger Jay said...

Nikolee,

Wala akong masabi kundi napakahaba ng blog mo.

Sana naglagay ka ng mga spaces in between

para madling basahin, at hindi ka malulunod sa salita

Tulad nito.

At ito rin.

Kaysa naman ito: uulitin ko ang comment na walang space.Nikolee,
Wala akong masabi kundi napakahaba ng blog mo.Sana naglagay ka ng mga spaces in between para madling basahin, at hindi ka malulunod sa salita Tulad nito. At ito rin.

Diba?

11:42 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home