Friday, July 07, 2006

S-M-I-L-E for a Cause



Sa dinami-dami ng mga nangyayari sa buhay ko ngayon, hindi ko alam kung mayroon pa bang emosyon na natitira sa akin. Wala na akong maramdaman, pagod na pagod na ako, nagsasawa na din ako. Kung minsa nga ay pinapalabas ko na lang na hindi ako naaapektuhan sa mga nangyayri ngunit ang hindi nila alam, halos mabasag na ang aking katauhan. Ito'y nakapagbigay liwanag na sa aking isipan, kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng mapangyaya at nakahuhumaling na realidad ng buhay. Sa simpleng bagay lang pala umiikot ang lahat. Tanging ang tao lamang ang nagpapabigat sa kaniyang sarili dahil siya lamang ang kumokontrol sa kaniyang katauhan. Ano nga naman ang saysay ng pagbabaling ng sisi sa iba? Walang kabuluhan. Walang saysay. Walang Kwenta. Napupuno na ako at kakaunti na lang ay sasabog na ang Mt. Bulusan kasabay ng aking pagsabog.

Pagsabog... ng aking poot na matagal ko ng itinatago sa aking sarili.

Sarili.. lamang ang iniisip ng ibang tao, at isa yun sa mga dahilan ko. Makakapal ang mukha, walang pakialam sa ibang tao. Matuto ka nga!

Tao... ang mga nabubuhay sa mundong ibabaw na mahirap intindihin.

Intindihin... sana ng iba ang aking nararamdaman. Ayokong hinuhusgahan ako sa kung ano ang nakikita ninyo sa akin. Plastik talaha ako.

Plastik... ito ang mga kalat na hindi nabubulok. Tulad ng mga taong Plastik, hindi sila nabubulok kaya naman salot sila sa lipunan.

Lipunan... ang kadalasang sanhi ng problemang may solusyon na minsan ay pinalalala ng tao.

Solusyon... ang sagot sa lahat. Maraming uri at kung minsa'y hindi na nabubunyag dahil sa kahangalan ng tao.

Kahangalan... ang tanging masasabi ko sa mga taong may pag-iisip ngunit nag-aasal hayop.

Wala namang masama sa magsabi ng nararamdaman, kung minsan nga lang talaga magulo ang mundo at walang nais maglaan ng oras para makinig sa iyo.

ORAS... napakahalaga para sa mga taong katulad ko.

Ito ang nakakapag-bigay ngiti sa aking mga labi.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home