Tuesday, September 04, 2007

Pagod man, Masaya naman

September 4, 2007- Isa sa mga araw na talagang nilagyan ko ng pulang marka sa lahat ng planner at kalendaryo ko. Para akong sasabak sa isang riot sa araw na ito. Halo-halong mga activites at exam na hindi ko naintindihan ang lesson. Wala pa'kong matinong tulog dahil ang dami ko ring pinaghahandaan, hindi ko naman masisisi ang aking mga guro, dahil kasama talaga ang "group presentations" sa Course outline (buwisit).

Pero sa kabila ng mga "haggardness" na bagay na ginawa ko ngayong araw na ito (September4), ay mayroon pa ring mga bagay na nakapagbigay saya sa akin at panadaliang pinawala ang aking mga alalahanin sa buhay.

Siguro naman nakikita niyo yang maitim na bagay sa kaliwa, 'wag kayong mag-alala, hindi buhay na palaka iyan, musc instrument 'sya. Ang galing no? Kikiskisin mo yung itaas na bahagi ng palakang iyan tapos ito ay maglalabas ng tunog ng isang palaka (at parang tunay na palaka). Iyang yung maliit na bersyon.

Teka, san nga ba namin ginamit yan? Ah, alam ko na, dun sa biased at pinag-initan ng ulo na AMEG (GAME) ng group three.

Lugi naman kami kasi sa game na yon, ang mga kalaban naming instruments ay madali lang patunugin, ngunit yung sa amin 10 million years bago maglabas ng tunog at mahina pa ito (ikumpara mo naman sa mga Water chime, tambourine, at parang UP Kontragapi yung iba).

Anyway, sa kanang bahagi naman ang malaking Bersyon ng palakang iyan. Mas malakas ang tunog 'nun at mas nakakatakot dahil talagang mapapaniwala kang palaka iyon. Syempre, nagpapasalamat ako kay Ate Jennifer sa pagturo sa akin kung pa'no gamitin ang mga instrumentong binigay sa'min. Ngayon, pwede nakong tumugtog ng water chime, nakaka-relax pa sa pandinig.

At iyon, naging masaya at magulo ang unang klase ko. Puno ng tawanan, asaran, barahan, at iba pa. Hindi ko nga alam kung nakukuha pa ng guro ko ang mga ginagawa namin, at lagi syang bida sa mga crossword puzzle at revised songs ng group three.

Ito ang malala, ang Deal or No Deal.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa nakita ko nung umagang iyon. Sadyang may mga tao talagang bagay sa kanila ang pag-iimpersonate (at kung minsan mas maganda pa sila sa iniimpersonate nila). Sorry sa taong ito at na-post ko ang kaniyang litrato, hindi ko lang talaga mapigilan ang tawa ko nang makita ko syang ala Kris Aquino (w/ the Big voice).


Grabe talaga yan... Halos mapaiyak na kami sa kakatawa. Bwahahaha!!!

Sa susunod uli, pagod na talaga ako. Iyan lang yung mga kababawan ko na sadyang natuwa talag ako. ^_^

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home