Gulo
Maraming mga bagay na gumugulo sa aking isipan ngayon. Unahin ko na siguro ang Acads.
Grabe talaga ang hirap na dulot ng mga Acads ko ngayon, hindi ko alam kung mabubuhay pa ako bukas, sa susunod na bukas, o sa susunod na susunod na bukas. Alam kong mahiirap maging estudyante, pero sa kabila ng kahirapang ito may isang liwanag naman ang sasalubong sa'yo sa huli (Ano, napaka-shiny na tres o singko? >_<)
Ikalawa, pera.
Teka nga muna, matanong ko, sino dito ang hindi inisip ang mga nagstos niya para sa araw na ito? Kapag may sumagot ng hindi, babatukan ko, pramis!
Paggising mo pa lang, hula ko, yan na kagad iniisip natin. Hindi nga naman talaga maiiwasan dahil parte na ito ng ating pang-araw-araw na gawain. Load mo sa cellphone? Baon mo para sa school? Photocopy ng mga readings mo? Pamasahe mo pagpunta at pag-uwi? Panlibre mo sa syota mo? Blow-out mo dahil bday mo ngayon? Gagastusin mo para sa lunch, merienda, merienda, meienda, merienda...? Contribution sa kung anu-anong projects? Pang-internet mo mamaya? Pambayad mo sa utang mo (sa Bumbay)? Mga achochochocho na kailangan sa school? Mga coloring materials para sa isang subject na hindi naman art stud? Mga photocopy ng mga leakage ng exam? Pambili mo ng pampaganda? Mga luho mo na hindi mo mapigilan? Pasalubong mo sa bahay (na akala nila sa kung anong probinsya ka galing pero 3 sakay ka lang mula sa bahay niyo)? Mga echebureche niyo sa org mo? At higit sa lahat, mga kailangan mo sa pang-araw-araw na kabuhayan?
LAHAT yan kaakibat ay pera. Kaya nga naman todo ako sa pagpoproblema sa pesteng bagay na iyan na sana hindi na lang naimbento. Mahirap talaga kapag naghihirap kayo sa buhay, todo kontrol sa paglabas ng pera at hindi ka makakabili ng mga bagay na gusto mo. Pero ano pa nga bang magagawa ko, nandyan na yan eh. Tanggapin na lang ang katotohanan.
Ikatlo, ayoko ng sabihin 'to kasi mababaw lang naman. Basta, tungkol lang ito sa panloob na aspeto ng aking buhay na hindi na kailangan pang maungkat pa. Sapat na ang pagpapaliwanag ko dito. Sana ay maintindihan ninyo.
Ayun, good luck na lang a buhay ko at buhay niyo.
Sana buhay pa tayo bukas!
---Nikz---
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home