Wednesday, August 29, 2007

Isang Kwento

a mirror blog from friendster blogs

1:10am

Madaling-araw na at gising pa rin ako.
Medyo inaantok pero ayaw ko pang matulog. Maraming bagay ang gumagambala sa aking isipan ngayon.
Iniisip ko na dito ko sana maipahayag ang mga bagay na iyon.

Ano nga ba ang nakaraan?

Matagal-tagal na panahon na rin ang lumipas 'nung huli akong sumulat (?) dito.
Iyon pa ang mga panahon na kung saan masayang-masaya pa'ko sa buhay ko na tipong pwede na'ko mamatay dahil kuntento na'ko.

Ngunit, hindi doon natatapos ang lahat.

Minsan talaga ang buhay nasa taas o kaya'y minsan nasa ibaba.

Matapos lahat ng mga masasayang araw ng buhay ko, nagbago ang lahat.
Hindi ko akalain na sa isang iglap lang mawawala lahat ng mga bagay na pinagbuhusan ko ng oras at panahon.

Bigla-biglang nawawala (singing kisapmata)...

Sabi niya hindi niya ako iiwan, pero nasaan na ba'ko ngayon? Nag-iisa na'ko ngayon!

May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag ng sa salita lamang.
May mga bagay na sadyang hindi na kailangan ng dahilan upang luminaw.

...minsan, sa mga bagay na ito, nagiging magulo ang buhay mo.

Sa'n na nga ba ako patungo? Hindi ko rin alam, marahil wala na ring dahilang upang magpatuloy.

Iniwan ka niya ng walang sapat na dahilan, malamang uusad ka din sa buhay mo ng walang dahilan.

Isang kasinungalingan. Alam ko, makakayanan ko 'to, uusad ako sa aking buhay nang may sapat na dahilan. Babaguhin ko ano man ang nangyari sa nakaraan ko, magiging ganap na tao ako, at hindi ako tutulad sa kaniya na isang malaking duwag.

Duwag harapin ang katotohanan...pilit tinatakasan at huli di'y 'sya rin ang hahabulin.

Sawa na'kong maghintay, kailangan ko ng magpaalam sa isang yugto ng aking buhay.
Sisimulan ko uli ang yugtong nagwakas...ngayon, makikita n'yo na.

Lalaban ako hanggang sa huli...

dahil alam kong kaya ko!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home