a mirror blog from http://nikoleefita.blogs.friendster.com
August 31, 2007
Grabe ang araw na iyan, 11pm na'ko nakauwi at akala ko ay hindi na'ko makakasakay ng MRT. Buti naabutan ko pa- buti na lang talaga.
Nagsimula yan sa unang klase ko sa araw na ito- EDUC 100. Grabe, sumakit tiyan ko kakatawa sa klase kong iyan. Para kaming nasa comedy bar ng mga classmates ko nang mag-perfrorm ang isang group. The Han Brothers ang tawag sa kanila (para kay ma'am Balonzu!) at ni-rap nila ang history ng Deped, mula 1836 up to the present. Sipag di ba?
Sumunod ay ang philo class ko.
Puro naman fallacies ang pinag-usapan namin, at feeling ko fallacious na rin ang mga sinasabi ng prof ko. Ayun, at least kahit kakaunti lang ang na-discuss nya ay swak na swak ang mga examples nya, kaya naman getch na getch ko ang lesson nya (Ad Misericordia tong ginagawa ko).
Pagkatapos ng mahabang paglalakad papuntang Math building, ayun at nakarating na'ko sa huli kong klase, ang MATH2.
Wala kaming masyadong ginawa, pinagawa lang kami ng sample quiz para sa quiz namin sa Tuesday (na wala akong maintindihan). Ayun, dun ko nakilala ang bida ng group namin- si Saff Flauer.
Medyo nagtagal ako at umabot ng 5pm sa room namin dahil hinihintay kong matapos si Martin. Ayaw namin syang iwanan ni Kat mag-isa sa room kasama ang prof namin, baka may mangyaring masama (hehe, peace ma'am!).
Ayun, at late na'ko nakarating sa tambayan, Imbis na makapag-informal interview na'ko tumambay na lang ako at tumulong sa pag-aayos ng banner para sa History Talk. Wala na kasing mems na mag-iinterview sa'kin at late na rin ako dumating. Sayang, kasabay ko sana mga co-CM's ko.
Nakipagkwentuhan na lang ako kila Ray-Ray and Beans (mga co-apps ko). Ayun, kawawa samin ni Ray-Ray si Beans dahil todo pambabara ang inabot nya. Masaya naman ang aming pag-uusap hanggang sa pinapunta na kami sa UB para makapaghanda na sa History Talk.
Ayun, issue na kagad kami ni Beans at nilagay na kami sa poll na Muse and eSCORT ng UPSCA. Grabe talaga mga co-apps ko, ang hilig sa issue! (Go kuya JM! Ayos ang quotable quote ko sa logbook natin! Humanda ka sakin...Bwahahah!!!)
Nagsimula na ang talk at ang mga guests namin ay mula sa 50's, 60's, 80's, 90's and 2000's UPSCAns. Grabe ang transition ng UPSCA. From hundred members, nag-trim down ngayon sa 50-80. Grabe talaga. Doon ko rin nalaman ang history ng UFO na parish (Parish of the Holy Sacrifice) at kung sino ba talaga si Father Delaney.
Hindi ko namamalayan ang oras, 9:30 na pala! Mga quarter to 10 ang last trip sa MRT! Patay na kami nila Kuyan JM at Ate Jo! Takbuhan na 'to!
Ayun, nag-end up kami sa pagsakay sa taxi hanggang MRT dahil wala ng jeep ng Pantranco sa UP. Todo takbo kami papunta sa terminal ng Quezon Ave at sa awa ng Diyos at nakaabot pa kami.
Talagang nagpapasalamat ako kay Lord na nakaabot pa kami at ligtas kaming nakauwi sa bahay.
Salamat sa mga nakasama ko nung araw na iyon.Talagang one of a hell, este heaven experience iyon.
Sana maulit muli ang mga di-sinasadyang pagkikita.

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home