Sunday, September 02, 2007

Pabalik- Tagaytay Magic 13


This was taken last April during our overnight stay in Tagaytay.

Matagal na rin yung April, ilang buwan na ang nakakalipas pero talagang hindi mawala sa isip ko ang mga pangyayaring naganap.

Labintatlo kaming mga dumalo sa bahay (este, mansion pala) ng aking kamag-aral. Labindalawa lang talaga tapos bigalang dumating si Meanne dahil nanadyan lang pala sya sa may Batangas.

Sinu-sino nga ba kaming dumalo?

Monica, Asher, Jerryl, Kim P., Sahil, Romart, Ace, Manuel, Laurs, Xtine, Ylloisa, Meanne at ako.

Nakakatuwang isipin na ang mga taong iyan ay hindi ko gaanong ka-close. Pero sila ang kasama ko sa isang "accidental bonding".

Napakalaki ng bahay na aming tinuluyan.

Hindi sya pangkaraniwan. Tila ito'y isang museo.

Maraming mga palamuti at mga kakaibang bagay.

Iba't ibang uri ng anito, klase ng upuan pati lamesa.

Nakakatuwa dahil ang kisame ng bahay ay parang barko, yung kapag binaliktad mo ang barko, ganun ang kalalabasan?

Ayun, marami kaming ginawa.

Tawanan.

Kulitan.

Asaran.Barahan.

Videoke.

Kainan.

ALinlangan.

Konting alitan.

Pero tawanan pa rin.

Nakakatakot din yung bahay lalo na nung sumapit ang gabi. Tila may iba't ibang klaseng tao ang nakikisalo sa amin habang kumakain ng hapunan.

Malamig ang hangin.

Malakas ang paghampas nito sa mga puno.

Puro hamog ang nakikita sa paligid.

Nakakatakot bumaba sa aming kwarto ng mag-isa.

Natapos din ang gabi at nagpatuloy kami sa aming mga gawain. Nag-ayos na ng mga gamit dahil pagsapit ng hapon ay lilisan na kami.

Tila isang panaginip ata ang nangyari sa akin nung mga araw na iyon. Maikling panahon lamang kami nagkasama-sama ngunit may nabuong kakaibang bagay sa aming mga sarili.

Sana paglipas ng panahon ay hindi maalis ang bagay na iyon.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home