Kasiyahan sa Pag-alala
Gabi na at hindi pa ako natutulog.
Feeling na walang pasok ako bukas pero meron talaga at 7am pa.
Natutuwa lang ako sa araw na ito dahil marami akong bagay na naaalala.
Mga bagay na hindi ko inakalang nangyari sa'kin noon at hindi ako nagsisisi na nangyari nga sa akin ang mga bagay na iyon.
Tulad na lamang nitong mga blog post ko.
Habang binabasa ko isa-isa ang mga posts ko dati, biglang pumasok sa isip ko, "Napaka-makata ko pala dati at talagang nilalabas ko ang mga saloobin ko sa pamamagitan ng pagsususlat."
Inaamin ko, hindi ako mahilig magsulat at bumuo ng mga bagay katulad nito. Ngunit wala na akong mapaglagyan ng aking mga nararamdaman, kaya naman naisipan kong sumulat sa mga impormal na lathalain, gaya nito.
Isang bagay lamang na ayaw ko ng maalala pa muli, at hindi ako nasisiyahan sa nangyaring iyon.
Petsa: Pebrero 10, 2007
Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin at bakit sinakluban ako ng langit, lupa, impyerno (im, im, impyerno...saksak puso tulo ang dugo... hehe) at purgatoryo. Tila may masamang kaluluwa ang sumapi sa akin at nawala ako sa katinuan ng aking isipan.
Ang hirap ipaliwanag.
Halos hindi ko makilala ang aking sarili ng mga panahon na iyon.
Sino nga ba ako?
Anong ginagawa ko dito?
Sino ka? Kilala ba kita?
Naging magulo sa akin ang lahat.
Walang makita.
Walang maramdaman.
Manhid.
Sino nga ba 'sya para gawin sa akin ang bagay na iyon?!
Ano ba tingin nya sa sarili nya, Diyos?
...Tama na nga, mawala pa'ko sa sarili ko.
Siguro, ang natutunan ko sa pangyayaring iyon:
Huwag na huwag kang magtatanong ng hindi sa ayon.
Think before you speak.
Feeling ang daling gawin, pero 'wag ka, napakahirap yan tuparin.
Magandang gabi at sana makatulog tayo ng mahimbing!
"Lagi akong umaasang babalik ka..."