Saturday, August 28, 2010

Depresyon at iba pang guni-guni

Depresyon, parang sa economics, nalulugi ang isang bansa na higit pa sa dalawang quarters. 


Pero sa kaso ko ngayon, hindi naman ako nalugi. Ang depresyon ko ay lungkot, na may kasamang hikbi. Marami akong dahilang kung bakit nakakaranas ako ng depresyon ngayon. Pero sa tingin ko nama'y maglalaho ito nang sabay-sabay bukas, o sa makalawa. 


Alamin ang dahilan ng depresyon ko.


1. Economics Exam


Siguro mga panghabang-buhay ko na itong dahilan kung bakit ako nalulungkot lagi. Paulit-ulti kasi sa utak ko ang linyang, "I did my best but I guess my best wasn't good enough..." Tamang statement sa bawat eksamen na kinukuha ko sa Econ. Hindi ko alam kung nabobobo na'ko through time o bumababa ang comprehension ko, pero sadyang hindi ko na maintindihan ang mag tanong sa test. Hindi ko alam kung ano ang tanong doon. Hindi ko na alam kung ano ang hinihingi ng item. Basta, naguguluhan na'ko sa lahat. 


O kaya nama'y... hindi lang ako nag-aral ng maigi kaya wala akong naintindihan. Ewan. Pero sigurado naman ako sa sarili ko na nag-aral ako. Ang hindi ako sigurado ay kung naintindihan ko ang inaral ko. Oh well, estudyante blues, sisihan kapag nakita na ang results.


Saan? Saan ako nagkamali? 


2. Anti-virus


Oo ako na ang masamang tao dahil hindi ako bumibili ng original na anti-virus para sa aking PC. Kasi naman 'te, ang mahal, e mas mahirap na nga kami sa mahirap na daga. Pero syempre may kabayaran lahat ng pamemeke sa mundo. Sa sobrang galing ng anti-virus ko, na-detect nya yung sarili niya bilang isang virus at nag-self-explode. Dyusko, ganun ba ang nangyayari sa mga sobrang galing na software? Suicidal? Kung mayaman-yaman lang talaga ako, bibili ako ng anti-virus na original, pero sa ngayon, magtuloy muna tayo sa pamemeke. It's bad, yes, I know. Pero ano nga bang aasahan mo sa mga mahihirap na gaya namin?


5k for a bloody anti-virus? Pambili na lang yan ng pagkain. T___T


3. Postpaid Bill


Trivial. Petty. Hindi parin naibibigay ang bill ko. May pambayad nako pero natetempt nakong gamitin dahil wala pa ang bill. Syet. Dumating ka na please bago pako abutin ng tukso.


4. Mga nahuhulog na palamuti sa bag


Kung kilala mo ako, malamang nakita mo na ang bag ko na ginagamit sa school. Maraming nakasakbit sa bag ko, katulad nila Dora, Amerika, Aaron the devil plushie at kung anu-anong button pins. Pero ngayon naglalaho na sila isa-isa. Wala na si Suzaku (nahulog yata sa jeep, yung base na lang ang natira), si Aaron the Devil plushie napigtal (buti na lang nakuha ko kagad), si Dora sinira ng isang katabi kong matabang babae sa jeep (masyado kasing pinagkakasya ang pwet sa napakaliit na space), ang green na lady bug na nawala yata sa isang sinehan sa MoA nung manood kami ng Step Up 3D, at yung iba, ewan, wala nakong alam kung nasan sila. 


Nakaka-depress kasi matagal na sila sa bag ko. Parang pamilya ko na sila. Pero nagbabago nga naman ang lahat-- nagdedepreciate ang mga bagay, naluluma sila at nasisira.
--------------


So far, iyan ang mga bagay na nakakapagpa-depress sakin. Inisip ko nang kumain kanina ng sandamakamak na fries para mapawi ang lungkot pero sabi ko mas mahalagang humaba ang buhay ko. Sa ngayon, wala muna akong gagawing acads. Gugulong lang ako sa kama. 

Tuesday, August 24, 2010

Chronic Fatigue

Lately, I have been looking in life with so much optimism and enthusiasm. After three months, ang dragging na ng buhay. Everything seems so hard to do, even the simplest children's story is incomprehensible for me (I really had to read it twice before I get the whole point of the story). My friend told me that I may be experiencing chronic fatigue. 


'Yung tipong pagod ka na sa lahat. Lagi kang inaantok. Wala kang energy (dahil di ka nag-Enervon). Lahat ng pinapagawa sa'yo parang mahirap pero kung iisipin mo ng mabuti madali lang naman talaga siya. 


I seem restless all day. I've had enough of reading academic texts, which apparently is needed to be able to comprehend in your everyday nosebleed-inducing discussions on the 'self' and the 'other' (gawrsh. Why do I even have to problematize these things?)


Apparently, I googled on what Chronic Fatigue or Chronic Fatigue Syndrome (CFS) is and here's what I found:



"...It’s a collection of flu-like symptoms that left its sufferers frustrated. Chronic fatigue syndrome is a rare, debilitating disorder that leaves its sufferers weak, exhausted, and barely able to function for months or even decade. The cause is still a mystery. Since it appears after flu or another illness, it was once thought to be caused by the Epstein-Barr virus. But up to present times, scientists and researchers were not able to identify its origins. It probably doesn’t have a single cause but is a combination of viral infections, allergies, and psychological factors acting on the immune system.
Like many who suffer chronic illnesses, some people with chronic fatigue syndrome experience emotional problems. Depression can go hand-in-hand with other cognitive problems such as confusion, forgetfulness, and sleep disorders."

Well, in order to be diagnosed with CFS, you must at least experience or suffered from persistent fatigue for six (6) months. Oh yeah, I've been suffering for almost two years now. Great.
Anyway, tips are everywhere to get my life back. Some pacing and exercise will do. Eating would also be helpful, I think. I'm considering to go back with my gym life, I just don't have the time, again. 
Anyway, it's a sign not to overuse my body. Life really gets back on you. This will pay when I get older. Need to be healthy!

References:
Sy, D. G. (2010, August 10). Opinion- Life Extension. Retrieved August 24, 2010, from The Manila Bulletin: http://www.mb.com.ph/articles/271648/chronic-fatigue-syndrome

Monday, August 23, 2010

Metro Comic Con 2010

21 August 2010
SM Megamall-- Megatrade Hall 2


Hindi ako ganoong mahilig sa mga komiks. Pero dahil sa pagpunta ko dito, nalaman kong maraming mahuhusay na graphic artists sa Pilipinas. Parang mga Indie Movies-- hindi gaanong kilala ngunit may saysay ang bawat pelikulang pinoprodyus. 


Ilan sa mga komiks na nakuha ko ay ang School Run ni Macoy (mga zombies na pangkaraniwan na lamang sa mga Pilipino), Goodbye Rubbit ni RH Quilantang, Anak ng Tupang Itim ni Rommel Estanislao (mahilig talaga si Kuya sa baaaahhh~), at ang Yo! Bo! ni Ela.Cedana.Simon (tatlo sila, mga Online English Tutors sa mga Koreyano).


Syempre hindi mawawala ang mga tagpong nakakaewan, nakakaubos ng kabataan, at kung anu-ano pang anik. Kasama ko sila Sam at Airii, at ang aming pakikipagsapalaran sa mundo ng komiks.


Sayang at hindi ko napapirmahan ang Kikomachine Komiks ko kay Manix Abrera. orz.


Airii, Ako at Sam sa Metro Comic Con 2010