Pers Dey
Oo, Pers dey ng klase ngayon (ay, kanina pala). Parang buong buhay kong hinintay ang pasukan kahit nag-summer ako. Matindi kasi ang pagkabulok ko sa bahay. I'm so like a rotten atis (bleurgh!).
Tama na sa pagkabulok, fresh and new na uli ako.
Ang lola mo, majors galore kanina. Lahat ng subjects, majors. O diba, ang taruch (sabay flip ng buhok). Sa kabila ng mga majors galore ko ay talagang hindi nawala ang pagkamalas ko. Sa lahat ng first day of classes, lagi na lang akong malas. Ang saya di ba?
Nagsimula sa bahay.
Maaga akong nagising, maaga rin akong natapos sa pag-aayos. 7am pwede nakong umalis, pero dahil gusto kong kasabay ang pinsan ko, hinintay ko siya. Kamusta naman 7:45am na kami nakaalis sa bahay. Nakalimutan ko, pipila pa pala ako ng ticket sa MRT.
Pagkababa sa jeep ay kumaripas ako paakyat sa MRT. First day kaya ayokong ma-late. Mahirap na ang bad impression sa prof.
Ayun, pagkaakyat ko, wala akong kaalam-alam sa bagong scheme sa MRT. Magkakahiwalay na pila at sa maling pila ako napadpad. Filingera kasi ang lola niyo kaya sa mga may ticket siya pumila. Sa kasamaang-palad, pinabalik ako ng pila sa kabila.
Ay, ganoon na pala ang uso, 'di belong ang mga passengers na walang ticket sa right wing. Kaya ang madlang-people ay nasa left wing. Doon, nagsisiksikan kaming lahat. Parang isaw ang mga pila, paikot-ikot. Grabe, after bajillion years bago ako nakakuha ng precious ticket.
Hindi ko namalayan, 8am na at nasa Taft pa rin ako. For goodness sake! 8:30am ang first class ko. What would you expect me to do? Lumipad sa EDSA papuntang EDUC? O gayahin si Gokou na mag-teleport? No choice, kailangan talagang maghintay. Tanggap ko na, male-late talaga ako.
Oo, na-late na nga ako, naiwan ko pa baon ko sa bahay. Ang saya talaga. Tamang-tama ang kanta ng Rivermaya sa'kin, "Hindi ko maintindihan kung ba't ako ang napapag-tripan ng halik ng kamalasan..."
Shoot talaga ang MRT, kahit kailan, hindi puwedeng hindi bumagal. Ang masaya pa roon, tinama pa sa first day! Hayop talaga!
Anyway, nabawi naman lahat ng iyon nang nakapasok nako. Mabuti at wala 'yung prof ko sa first class (na siya rin ang prof.ko sa second class).
Ayoko ng magbanggit sa mga classes ko kanina dahil wala namang significant na nangyari. Same old UP, same old Educ, same old profs. Natuwa lang ako dahil nakapasok na'ko uli. Hindi nako magiging rotten atis sa bahay.
Nakakamiss talaga mag-aral (o mag-lakwatsa after class?).
He'll do anything to get Nikolee out of the picture.