Friday, August 04, 2006

Bakit Galit?

Alam niyo ba kung ano ang kinaiinisan ko sa mundo?


T-A-O


Mga hayop na biniyayaan ng mahusay na pag-iisip pero hindi ginagamit sa tama.


Bakit, ano ba ang naging tama para sa kanila? Di ba puro mali lang.


Nakakapanghinayang, ang tao binigyan ng dalawang mata upang kaniyang makita ang kagandahan ng mundo sa mas malawak na pamamaraan.


Siya ay binigyan din ng isang ilong upang maamoy ang halimuyak at bango ng mundo.


Isang bibig upang kaniyang mailabas ang idinidikta ng isip sa mas naiintindihang paraan.


At dalawang tainga upang kaniyang pakinggan ang iba't ibang tunog at tinig mula sa kalikasan at maging sa kapwa tao rin.


Bakit kaya hindi na lang ginawang dalawa ang bibig?


Di ba mas magaling naman ang tao sa pagsasalita kaysa sa pakikinig?


Ganyan naman palagi eh, ginagawang dalawa ang bibig at ang tainga ay nagiging isa na lamang. O kaya minsa'y 0.5 na lang ang tainga.


Ang lupet talaga ng tao.


Nababago ang istruktura at gamit ng bawat parte ng kanilang katawan. And take note, SENSE ORGANS yan.


Kaya nga ginawang dalawa ang tainga ng tao ay para matutong makinig sa mga winiwika, hindi para pumasok at lumabas lamang ng basta-basta.


2 ang tainga dahil mas nakabubuti ang pakikinig kaysa sa pagsasalita.


Kung minsan ang tao, bibig lang ang pinagagana.


Hindi ang kanilang tainga.


Ano pa ang silbi ng pagkakaroon ng 2 tainga kung hindi rin naman gagamitin sa ayon?


Nasaan na ang kabuluhang inilaan ng Diyos para rito?


Isipin na lamang: Ganoon ba talaga kahalaga ang pagsasalita kahit hindi naman kailangan?


I suppose, "Action speaks louder than words."


Di ba mas maganda kung makinig na lamang at kumilos ng nararapat.


Ano ba ang tainga kung hindi gagamitin sa tama?


At ano ba ang isip kung hindi mag-iisip ng tama?


Kung ano ang ating naririnig ang siyang magdadala sa'tin sa rurok ng tagumpay.


Mga bagay na ating napakinggan at talaga namang may kabuluhan sa ating buhay.


Ang bibig ay nakakapatay ng tao.


Kahit sino ka pa at kahit anong kapal ng balat mo ay mas matalim pa ang bibig diyan.


Hindi masamang magsalita ngunit gamitin sa tamang panahon (hindi ko sinasabing magsasalita na lang kayo kapag nagugunaw na ang mundo).


Mayroon pa kasing tainga ang tao, matutong makinig hangga't maaari.


Ang tao kasi, padalos-dalos sa mga sinasabi, hindi muna pinag-iisipan kung ano ang magiging reaksyon ng mga taong pinagsasabihan niya.


Bakit hindi na lang nating hayaan na tao na din mismo ang tumuklas sa mga kulang ng kanilang buhay.


INITIATIVE nga ang word na babagay dito.


Hindi na kami bata upang sabihan pa ng kesyo ganito at kesyo ganyan.


At kung tutuusin, ang mga taong nagpapasimula ng mga walang kabuluhang conference ay sila mismo gumagwa ng problema.


Hindi ko alam kung ano gusto nilang palabasin sa kanilang mga winiwika, ngunit gusto ko lamang sabihin na, "Ano na ba ang nagawa niyo para sa binabalak niyo?"


Ang galing mag-suggest.


Ang galing din ng bibig.


Ang galing din ng amnesia at short-term deaf personality.


San ka pa?


Ganyan ka-talented ang mga tao ngayon.



Ah basta, konsensya na lamang ng tao kung ano ang kaniyang gagawin.


Hindi masamang magbago


Ngunit magbago ka sa ibang pamamaraan at siguraduhing balanse ang buong pagkatao mo.


Balansehin ang 2:1 ratio ng tainga at bibig.



"Remember that there is another dimension to you that is greater than your humanness:there's that Spirit of the living God which speaks to your soul, speaks to your heart allthe time, giving you guidance and direction... so that when the time comes to act,you'll know what to do, when to do it, and how to do it.
-Reverend Barbara King